Wednesday, May 14, 2008

obra-maestra


narito na ang larawang nabanggit na tumutukoy sa mukha ng korapsiyon. kayo na ang bahalang humusga. ibahagi ang inyong suhestiyon at mga komento. ito ang aking OBRA MAESTRA!

obra-maestra


ang bawat isa sa atin ay may angking talento sa pagguhit ng isang larawan, hindi man ito kuha mula sa isang lente ng kamera, ito naman ay guhit at isang dibuho na nagmula sa puso ng isang pintor na nagnanais na mapansin ang kanyang "obra-maestra". gamit ang "paint" sa kanyang komputer, nalikha niya ang isang imahe na may iba't ibang kulay. ang mensahe ay para sa lipunan kung saan ang bawat isa sa atin ay umiikot. ganid na maituturing, ang korapsiyon na pumapalibot sa atin, hindi lamang sa ating kapaligiran, maging sa ating katauhan, ay ang mensaheng ipinapaabot ng larawang ito. ang korapsiyon ay ganid, dala nito'y kapahamakan sa taong nangnanais ng kapangyarihan. kapusukan na nagmumula sa puso upang kontrolin ang tao at ang lipunan na kanyang kinabibilangan. sino ang makapagsasabi ng kahulugan ng bawat kulay? tanungin mo ang iyong sarili kaibigan, ano ang ibig sabihin ng bawat kulay? para sa iyo, ano ang mensahe ng larawang ito? paano mo masasabi na ito ay isang halimbawa ng korapsiyon?

Tuesday, May 13, 2008

musikerong bulag....


Ang makabuluhang larawan ay tanda ng maganda at magaling na pagkuha ng isang mahusay na potograper. Hindi lahat ay may katangian ng tulad ng mga taong kakilala ko. Ako man ay nagnanais na magkaroon ng mga larawan na masasabing "makabuluhan", o ika nga'y pang-world class. Pero sadya yatang hindi para sa akin ang mga lenteng tila laging naghahanap ng "subject" na paiilawan. Larawan....dito masasalamin ang kuwento ng bawat tao o bagay na nakukunan ng mga lente ng makabago o maging ng makalumang kamera ng mga potograper na laging nag-aabang ng kakaiba at eksplosibong pangyayari sa ating kapaligiran. Saludo ako sa mga magagaling na potograper at sa kanilang walang kaparis na mga obra-maestra..

Tuesday, April 29, 2008

Breakthrough

I really love taking pictures but I cannot compare with the experts' great and amazing photos, of course i know some folks who really have an eye for the BIG IT!....I have my own style when it comes to photography and in a way, I am proud of the outcome...some of my photos have stories to tell. Photo of a foot, hand, eyes, nose or even cats...I have a story to share....