Wednesday, May 14, 2008

obra-maestra


ang bawat isa sa atin ay may angking talento sa pagguhit ng isang larawan, hindi man ito kuha mula sa isang lente ng kamera, ito naman ay guhit at isang dibuho na nagmula sa puso ng isang pintor na nagnanais na mapansin ang kanyang "obra-maestra". gamit ang "paint" sa kanyang komputer, nalikha niya ang isang imahe na may iba't ibang kulay. ang mensahe ay para sa lipunan kung saan ang bawat isa sa atin ay umiikot. ganid na maituturing, ang korapsiyon na pumapalibot sa atin, hindi lamang sa ating kapaligiran, maging sa ating katauhan, ay ang mensaheng ipinapaabot ng larawang ito. ang korapsiyon ay ganid, dala nito'y kapahamakan sa taong nangnanais ng kapangyarihan. kapusukan na nagmumula sa puso upang kontrolin ang tao at ang lipunan na kanyang kinabibilangan. sino ang makapagsasabi ng kahulugan ng bawat kulay? tanungin mo ang iyong sarili kaibigan, ano ang ibig sabihin ng bawat kulay? para sa iyo, ano ang mensahe ng larawang ito? paano mo masasabi na ito ay isang halimbawa ng korapsiyon?

No comments: